Friday, February 29, 2008

Umper

0 comments
Lagi nalang ganito, masakit, mahirap, nakakasama ng loob...haaay, ano ba naman yan, para yatang sasanayin na tayo ng kapalaran sa ganitong uri ng buhay. Hindi ba mas maganda pag ang lahat ay pantay pantay? ngunit sadya nga yatang idinisenyo ang saya at ginhawa sa mga taong mayroon at nakakagaan. Astig nga sila eh, kasi lahat nalang ng ng wala tayo, meron sila, at lahat ng meron sila, ipagkakait sa atin. Di ba pwedeng makahingi ng konting pag asa na sana sa paggising ko ay nandoon ang isang damukal na fans na nakapalibot sakin at mag aalok na tulungan ako sa aking pagbangon? Nakakatawa na sa kabila ng lahat ng sakit at hirap, nagagawa pa rin nating tumawa at biruin ang sarili na kahit man lang sa ilang minuto ng buhay natin ay nailalabas natin ang ngiting di basta basta nakakamtam. Wala na rin naman tayong magagawa, edi tanggapin nalang na minsan sa buhay, mayroong mga taong magkakaroon ng puwang upang saluhan tayo sa ating buhay upang pansamantalang pawiin ang lungkot ng pag iisa at papalitan ng isang taong pagdurusa at pagluha...

Masakit ang mahulog at madapa nang dahil sa akalang ang lahat ng bagay ay walang katapusan. Ang sanayin ang sarili sa mga bagay na alam mong mawawala din ay isang kabaliwan, ngunit kahi t na alam na nating masakit, di pa rin tayo nadadala at susubok ulit kahit ano pa ang mangyari. Ang lumuha ay walang ibig sabihin, siguro ay masyado lang akong nasanay na masaktan dahil sa langit siya at ako ay nakatapak lang sa lupa. Mahirap ba talagang pagdugtungin ang agwat sa pagitan ng aming palad? Di ako mataas, wala rin akong kakayahang lumipad, at di ko ribn siya kayang ipaglaban dahil kakaumpisa pa lang ng pakikidigma ay siya na ang unang sumuko. Ipagpaliban na nga lang ang pagkakataong ito, tanggapin nalang na masakit at patuloy na sisisihin ang sarili sa mga bagay na wala kang kinalaman...