Friday, February 8, 2008

Unfinished Business

0 comments
Akala ko ay ayos na ang lahat. Na hindi ko na kailangan pang problemahin ang bukas dahil sa akala ko ay maayos na ang lahat bago ko itinapon ang kahapon. At magugulat ka nalang pag gising mo na wala pa pala ang hinihintay mong katahimikan. Patuloy ka pa ring bubulabugin at iinisin ng mga bagay na akala mo ay tuluyan nang naibaon sa hikay ng kahapon.

Nakakainis isipin na ang mga importanteng bagay pa buhay natin ang nakakaligtaan nating atupagin at ayusin. Mas nauuna pa yung mga bagay na wala namang naidudulot sa atin kundi pansamantalang kasiyahan kapalit ng habang-buhay na pagsisisi. At dahil nga sa mga pangyayaring ito, magkukumahog kang habulin ang oras sa paligsahan ng track and field. Maghahabulan kayo hanggang sasagi sa isip mo kung ipagpapatuloy pa ba ang takbo, o ihihinto na lamang ang nakapagod na karera laban sa oras.

Mahirap pagsisihan ang mga nangyari na, hindi na maibabalik ang nasayang na oras. Kahit bumili ka pa ng bagong relo na kung saan mabagal ang pag ikot ng mga kamay, ay wala pa rin itong epekto.