Friday, February 29, 2008

Umper

0 comments
Lagi nalang ganito, masakit, mahirap, nakakasama ng loob...haaay, ano ba naman yan, para yatang sasanayin na tayo ng kapalaran sa ganitong uri ng buhay. Hindi ba mas maganda pag ang lahat ay pantay pantay? ngunit sadya nga yatang idinisenyo ang saya at ginhawa sa mga taong mayroon at nakakagaan. Astig nga sila eh, kasi lahat nalang ng ng wala tayo, meron sila, at lahat ng meron sila, ipagkakait sa atin. Di ba pwedeng makahingi ng konting pag asa na sana sa paggising ko ay nandoon ang isang damukal na fans na nakapalibot sakin at mag aalok na tulungan ako sa aking pagbangon? Nakakatawa na sa kabila ng lahat ng sakit at hirap, nagagawa pa rin nating tumawa at biruin ang sarili na kahit man lang sa ilang minuto ng buhay natin ay nailalabas natin ang ngiting di basta basta nakakamtam. Wala na rin naman tayong magagawa, edi tanggapin nalang na minsan sa buhay, mayroong mga taong magkakaroon ng puwang upang saluhan tayo sa ating buhay upang pansamantalang pawiin ang lungkot ng pag iisa at papalitan ng isang taong pagdurusa at pagluha...

Masakit ang mahulog at madapa nang dahil sa akalang ang lahat ng bagay ay walang katapusan. Ang sanayin ang sarili sa mga bagay na alam mong mawawala din ay isang kabaliwan, ngunit kahi t na alam na nating masakit, di pa rin tayo nadadala at susubok ulit kahit ano pa ang mangyari. Ang lumuha ay walang ibig sabihin, siguro ay masyado lang akong nasanay na masaktan dahil sa langit siya at ako ay nakatapak lang sa lupa. Mahirap ba talagang pagdugtungin ang agwat sa pagitan ng aming palad? Di ako mataas, wala rin akong kakayahang lumipad, at di ko ribn siya kayang ipaglaban dahil kakaumpisa pa lang ng pakikidigma ay siya na ang unang sumuko. Ipagpaliban na nga lang ang pagkakataong ito, tanggapin nalang na masakit at patuloy na sisisihin ang sarili sa mga bagay na wala kang kinalaman...

Tuesday, February 26, 2008

Dating gawi

0 comments
hmmmm, haay, after a long time na hindi ako nakapag post, andito na naman ako ulit. Marami na rin ang nangyari sa akin these days. Magulo, masaya, nakakainis, nakakapagod, asus! kung sa ulam pa ito ay siguradong masarap dahil kumpleto sa sangkap dulot ng samu't saring pangyayari na naganap nang hindi inaasahan. Ngunit naisip mo na ba na paulit-ulit lamang ang lahat ng bagay na ginagawa natin sa araw araw? di man natin napapansin ngunit ito ay nangyayari. Ang mahabang biyahe ng buhay ay sadyang nakakabagot kung sasandal ka nalang palagi sa kung ano ang tama at saan na magiging ligtas. Minsan, ang paglalaro ng naayon sa lahat ng batas ay hindi masaya. Mabuti pa nga ang mga bata, wala man sa tama ang kanilang ginagawa, namumutawi pa rin sa kanilang mga mukha ang dumi at dungis kasama ang pinakamatamis na ngiti sa mundo.

Hindi nakakatakot ang pagkakamali. Ang harapin at maging masaya sa kabila ng mga kapalpakan ay siyang nagbibigay anghang sa nakakaumay na daloy ng buhay. Ang mabuhay ng walang pagkakamali ay masyadong boring. Ang buhay ay exciting kung minsan ay nilalabag natin ang tama at nararapat. Hindi lahat ng tama ay nakakabuti at nagpapasaya. Minsan, ang mga maling nagagawa pa natin ang nakapagbibigay ng ngiti sa atin maging sa ibang tao. Tayong lahat ay tumutulay sa alambre, mahirap, nahuhulog, ngunit sana sa bawat pagkahulog ay natututo tayong tumayo at handang masaktan muli. Ang pagkakapanalo sa laro ng buhay ay hindi kung sino ang nauna, ngunit ay may pinakamaraming sugat na handa pa ring lumaban at todo ngiti pa rin. Maging masaya tayo, wag nating ikulong ang ating mga sarili sa rehas ng takot...


Tuesday, February 12, 2008

game over?

4 comments
sa lahat ng laro ng buhay, mat natatalo, nananalo, o kaya naman tabla. Sino nga naman ang mag aakalang magiging gabito ang buhay natin, di man natin masakyan ang bawat ikot nito, nananatili tayong lumalaban. Madalas kong naririnig sa mga tao ang paghihirap nila, ang bawat daing na nagsusumamong masadlak sa kaunting ginhawa ng buhay. Ang bawat isa sa atin ay bilanggo ng sarili nating pag iisip. Ang mabuhay ng binabalot ng takot at pangangamba ay hindi buhay kundi kamatayan. Ang isiping wala ka nang kawala sa rehas ng buhay ay pagpapakita ng kaduwagan. Lalo mo lamang binibigyan ang iyong sarili ng rason para sumuko at hindi na ipagpapatuloy ang laban.

Bawat isa sa atin ay isang sundalong nagkukubli sa gitna ng isang madugong giyera. Takot tayong masaktan, ayaw nating masugatan. Iiyak na lamang sa isang tabi at magmamakaawang tulungan ng iba. Sinisisi ang buhay sa lahat ng sakit na tinatanggap. Kahit HIndi na natin nararanasan ang isang bagay, agad nating iniisip ang maaaring maidulot na sakit at mantsa sa ating pagkatao.

Ang gawin ang nararapat at akma sa bawat araw ng buhay ay umpisa ng pagbabago. Hindi sa lahat ng panahon ay umaayon sa atin ang kapalaran, matuto tayong bumangin sa bawat pagkakadapa. HIndi na tapos ang laban, may pag asa pa para sa first prize. ang pagsuko ay nangangahulugan ng pagkatalo. Sige lang, laro lang tol...


Monday, February 11, 2008

Balentayms Day

1 comments
Asus, marami na namang kinikilig..tsk tsk tsk, parang ako lang naman yata ang di na umaasang makakaranas ng magkaroon ng kasama tuwing ganitong mga araw. Sa lahat naman kasi ng araw na ginawa ng diyos, lagi nalang akong babad sa mga bagay na hindi ko na kinakailangan ang kasama. Hindi naman ako suplado, hindi rin naman ako boring kasama, di lang talaga ako bagay sa mundong kinabibilangan nya. Di ko naman sinasadyang maitapon sa ganitong klaseng buhay, at di ko rin sinasadya na mahulog sa kanya. Ito ang naging simula ng walang hanggang paglayo ko sa mundo. Isang Alien na walang kinabibilangan planeta. Parang akong isang palaka na naghahanap ng prinsesang maglalakas loob halikan ako upang maging tao muli.

Ngunit talaga nga sigurong ginawa ang swerte para sa mga taong natutumba ngunit patuloy na bumabangon. Ang hindi sumusuko o tumatakbo sa laban. Ang mahalin siya ay isang hangal na hangarin ngunit kung ito na lamang ang natitirang paraan upang maging masaya, di ko na hahayaan pang maabutan ng rumaragasang oras ng buhay...


Friday, February 8, 2008

Unfinished Business

0 comments
Akala ko ay ayos na ang lahat. Na hindi ko na kailangan pang problemahin ang bukas dahil sa akala ko ay maayos na ang lahat bago ko itinapon ang kahapon. At magugulat ka nalang pag gising mo na wala pa pala ang hinihintay mong katahimikan. Patuloy ka pa ring bubulabugin at iinisin ng mga bagay na akala mo ay tuluyan nang naibaon sa hikay ng kahapon.

Nakakainis isipin na ang mga importanteng bagay pa buhay natin ang nakakaligtaan nating atupagin at ayusin. Mas nauuna pa yung mga bagay na wala namang naidudulot sa atin kundi pansamantalang kasiyahan kapalit ng habang-buhay na pagsisisi. At dahil nga sa mga pangyayaring ito, magkukumahog kang habulin ang oras sa paligsahan ng track and field. Maghahabulan kayo hanggang sasagi sa isip mo kung ipagpapatuloy pa ba ang takbo, o ihihinto na lamang ang nakapagod na karera laban sa oras.

Mahirap pagsisihan ang mga nangyari na, hindi na maibabalik ang nasayang na oras. Kahit bumili ka pa ng bagong relo na kung saan mabagal ang pag ikot ng mga kamay, ay wala pa rin itong epekto.


Thursday, February 7, 2008

Rubik's Cube Mania

0 comments
Ang pagpawisan sa sobrang pag - iisip ng solusyon sa mga bagay na gumugulo sa ating isip ay isang magandang exercise hindi sa lang utak, kundi pati na rin sa katawan. Oo nga tol, sa katawan, isipin mo nalang kung ilang calories ang nawawala sayo habang hawak hawak mo sa iyong kamay ang "Rubik's cube ", sa bawat paikot ikot na gagawin mo upang magpag tagpo-tagpo ang magkakaparehong kulay.


(kuha mula sa sciencenews.org)

Ang Rubik's cube ay inimbento ni kakosang Ernő Rubik
, Isang nakawiwiling laruan na umani na ng sandamukal na parangal. Dahil sa sobrang curiousity, nagpaturo ako sa aking kaibigan kung papaano isolve ang ganitong puzzle, una ay first layer muna ang bubuuin, next ay ang second, third at fourth.

wala akong gaanong ka talent talent sa pagbubulgar ng mga sikreto upang mabuo ang rubik's cube, kaya't heto ang ilan sa mga sites na siguradong makakatulong.

http://peter.stillhq.com/jasmine/rubikscubesolution.html

http://www.ryanheise.com/cube/


http://knology.net/~johnfjarvis/RubiksCubeSolution.html

Better late than absent

0 comments
hahay...ano ba, lagi nalang akong ganito, gigising sa umaga ng hindi nag aalmusal...tsk tsk tsk, di naman ako mataba ngunit bakit ako nag da-diet? hehehe hay naku, siguradong taas naman ang kilay sa akin ng maganda kong teacher, sa totoo lang, di bagay sa kanya ang nagsusungit, kasi lalo ko siyang hinahangaan...hahaha Siguro nga ay sinasadya ko ang pagdating sa eskwela ng huli upang pagpasok ko palang sa sa pinto ay ako agad ang kanyang nakikita na buong tapang na naka smile at nagsasabi ng good morning...ahahaha

Buti nga at kahit kelan, hindi ko naisipan na mag absent, dahil na rin siguro sa intensyon kong makita siya...hehehe At agad sumagi sa isip ko na medyo kalawangin ang mga bagay na akala ko ay tama dahil sa nakasanayan ko nang gawin. Ngunit di pala ito ang nararapat na transition ng buhay ko. Ang ilagay sa tama ang lahat ay sadyang napakahirap nang gawin dahil nga sa lahat ng araw na ginawa ng diyos ay puro kapalpakan na lamang ang aking nagagawa...haaay, so sad naman my life. Siguro nga ay kailangan kong tamaan muna ng isang malakas ba hampas sa ulo bago ako matauhan. ngunit alam ko na ikamamatay ko ito. (wag nalang...).

Siguro nga ay kailangan ko ng sapat na panahon upang labhan ang anumang mantsa sa pa pagkatao ko. Di man ako perpekto, nananatili naman akong naniniwala na lahat ay may pagkakataong baguhin ang takbo ng mundo.


Wednesday, February 6, 2008

Blog Seminar sa Skul

2 comments
Last saturday, naganap ang kauna unahang Blog seminar sa NDMU marbel na hinding hindi ko pinalampas. Dahil sa pagkain ah, este seminar pala, nagsimulang pumasok sa aking isip ang paggawa ng sarili kong blog.


(picture taken from aethen.com)

Dun ko na realize ang totoong essence ng blogging. Ang ipangalandakan sa buong mundo ang iyong nasasaisip. Ang magbigay ng impormasying nakakatulong sa lahat. Yung tipong ipinakikilala mo sa mundo kung sino ka. At syempre, ang magkaroon ng mga kaibigan sa sa internet.


(picture taken from aethen.co,)

At syempre si Ate Ria, ang cute na cute na speaker na sadyang nagbahagi ng halos lahat ng mga bagay na may kinalaman sa blog. Ang magkapera dahil sa blog ang syang lalong nagbigay inspirasyon sa akin upang mag blog, pero ika nga ni Ate Ria, "It takes a lot of effort".hehehe

unang banat

0 comments
Hello mga tol, Salamat naman at nakapunta kayo. Musta nama nang buhay mga repapips? Bago nga lang pala ako dito sa mundo ng blogging. Ito din ung first time kong mag post.

hmmm Isa akong tambay sa mundo, walang ginagawa, masaya, parang wala lang. Pero hindi pala sa lahat ng panahon ay magbubulag bulagan na lamang ako sa mga pangyayaring di ko man sukat akalain na mangyayari ay talagang nagyayari. Hindi man natin ito pinapansin, ito ay may malaking kinalaman sa atin.

Ang matang nakakakita ng katotohanan na wala ginagawa upang ipagsigawan ang mga pangyayaring maaring makaapekto sa buhay ng iba ay maituturing na bulag. Bulag sa katotohanan na mayroon ganitong kwento sa likod ng masayang mundo na iyong tinatamasa.



(photo from google.com)

Nakita mo na ba ang paghihirap?, ang kawalang hustisya?, ang daing?, o sadyang ibinaling mo lamang ang iyong atensyon sa ibang bagay upang takasan ang katotohanang bumabalot sa ugat ng iyong pagkatao?

Sa araw araw na ako'y nakatunganga sa tindahan ni aling pasing, ay natatanaw ko ang mga batang lansangan na walang ginawa kundi halukayin ang bawat basurahan na kanilang makikita. Animo'y naghahanap ng kapirasong ginto sa gitna ng putikan. Nagkukumahog na kunin ang anumang bagay na kanilang mapakikinabangan.