Tuesday, February 26, 2008

Dating gawi

hmmmm, haay, after a long time na hindi ako nakapag post, andito na naman ako ulit. Marami na rin ang nangyari sa akin these days. Magulo, masaya, nakakainis, nakakapagod, asus! kung sa ulam pa ito ay siguradong masarap dahil kumpleto sa sangkap dulot ng samu't saring pangyayari na naganap nang hindi inaasahan. Ngunit naisip mo na ba na paulit-ulit lamang ang lahat ng bagay na ginagawa natin sa araw araw? di man natin napapansin ngunit ito ay nangyayari. Ang mahabang biyahe ng buhay ay sadyang nakakabagot kung sasandal ka nalang palagi sa kung ano ang tama at saan na magiging ligtas. Minsan, ang paglalaro ng naayon sa lahat ng batas ay hindi masaya. Mabuti pa nga ang mga bata, wala man sa tama ang kanilang ginagawa, namumutawi pa rin sa kanilang mga mukha ang dumi at dungis kasama ang pinakamatamis na ngiti sa mundo.

Hindi nakakatakot ang pagkakamali. Ang harapin at maging masaya sa kabila ng mga kapalpakan ay siyang nagbibigay anghang sa nakakaumay na daloy ng buhay. Ang mabuhay ng walang pagkakamali ay masyadong boring. Ang buhay ay exciting kung minsan ay nilalabag natin ang tama at nararapat. Hindi lahat ng tama ay nakakabuti at nagpapasaya. Minsan, ang mga maling nagagawa pa natin ang nakapagbibigay ng ngiti sa atin maging sa ibang tao. Tayong lahat ay tumutulay sa alambre, mahirap, nahuhulog, ngunit sana sa bawat pagkahulog ay natututo tayong tumayo at handang masaktan muli. Ang pagkakapanalo sa laro ng buhay ay hindi kung sino ang nauna, ngunit ay may pinakamaraming sugat na handa pa ring lumaban at todo ngiti pa rin. Maging masaya tayo, wag nating ikulong ang ating mga sarili sa rehas ng takot...


0 comments: