Friday, February 29, 2008

Umper

0 comments
Lagi nalang ganito, masakit, mahirap, nakakasama ng loob...haaay, ano ba naman yan, para yatang sasanayin na tayo ng kapalaran sa ganitong uri ng buhay. Hindi ba mas maganda pag ang lahat ay pantay pantay? ngunit sadya nga yatang idinisenyo ang saya at ginhawa sa mga taong mayroon at nakakagaan. Astig nga sila eh, kasi lahat nalang ng ng wala tayo, meron sila, at lahat ng meron sila, ipagkakait sa atin. Di ba pwedeng makahingi ng konting pag asa na sana sa paggising ko ay nandoon ang isang damukal na fans na nakapalibot sakin at mag aalok na tulungan ako sa aking pagbangon? Nakakatawa na sa kabila ng lahat ng sakit at hirap, nagagawa pa rin nating tumawa at biruin ang sarili na kahit man lang sa ilang minuto ng buhay natin ay nailalabas natin ang ngiting di basta basta nakakamtam. Wala na rin naman tayong magagawa, edi tanggapin nalang na minsan sa buhay, mayroong mga taong magkakaroon ng puwang upang saluhan tayo sa ating buhay upang pansamantalang pawiin ang lungkot ng pag iisa at papalitan ng isang taong pagdurusa at pagluha...

Masakit ang mahulog at madapa nang dahil sa akalang ang lahat ng bagay ay walang katapusan. Ang sanayin ang sarili sa mga bagay na alam mong mawawala din ay isang kabaliwan, ngunit kahi t na alam na nating masakit, di pa rin tayo nadadala at susubok ulit kahit ano pa ang mangyari. Ang lumuha ay walang ibig sabihin, siguro ay masyado lang akong nasanay na masaktan dahil sa langit siya at ako ay nakatapak lang sa lupa. Mahirap ba talagang pagdugtungin ang agwat sa pagitan ng aming palad? Di ako mataas, wala rin akong kakayahang lumipad, at di ko ribn siya kayang ipaglaban dahil kakaumpisa pa lang ng pakikidigma ay siya na ang unang sumuko. Ipagpaliban na nga lang ang pagkakataong ito, tanggapin nalang na masakit at patuloy na sisisihin ang sarili sa mga bagay na wala kang kinalaman...

Tuesday, February 26, 2008

Dating gawi

0 comments
hmmmm, haay, after a long time na hindi ako nakapag post, andito na naman ako ulit. Marami na rin ang nangyari sa akin these days. Magulo, masaya, nakakainis, nakakapagod, asus! kung sa ulam pa ito ay siguradong masarap dahil kumpleto sa sangkap dulot ng samu't saring pangyayari na naganap nang hindi inaasahan. Ngunit naisip mo na ba na paulit-ulit lamang ang lahat ng bagay na ginagawa natin sa araw araw? di man natin napapansin ngunit ito ay nangyayari. Ang mahabang biyahe ng buhay ay sadyang nakakabagot kung sasandal ka nalang palagi sa kung ano ang tama at saan na magiging ligtas. Minsan, ang paglalaro ng naayon sa lahat ng batas ay hindi masaya. Mabuti pa nga ang mga bata, wala man sa tama ang kanilang ginagawa, namumutawi pa rin sa kanilang mga mukha ang dumi at dungis kasama ang pinakamatamis na ngiti sa mundo.

Hindi nakakatakot ang pagkakamali. Ang harapin at maging masaya sa kabila ng mga kapalpakan ay siyang nagbibigay anghang sa nakakaumay na daloy ng buhay. Ang mabuhay ng walang pagkakamali ay masyadong boring. Ang buhay ay exciting kung minsan ay nilalabag natin ang tama at nararapat. Hindi lahat ng tama ay nakakabuti at nagpapasaya. Minsan, ang mga maling nagagawa pa natin ang nakapagbibigay ng ngiti sa atin maging sa ibang tao. Tayong lahat ay tumutulay sa alambre, mahirap, nahuhulog, ngunit sana sa bawat pagkahulog ay natututo tayong tumayo at handang masaktan muli. Ang pagkakapanalo sa laro ng buhay ay hindi kung sino ang nauna, ngunit ay may pinakamaraming sugat na handa pa ring lumaban at todo ngiti pa rin. Maging masaya tayo, wag nating ikulong ang ating mga sarili sa rehas ng takot...


Tuesday, February 12, 2008

game over?

4 comments
sa lahat ng laro ng buhay, mat natatalo, nananalo, o kaya naman tabla. Sino nga naman ang mag aakalang magiging gabito ang buhay natin, di man natin masakyan ang bawat ikot nito, nananatili tayong lumalaban. Madalas kong naririnig sa mga tao ang paghihirap nila, ang bawat daing na nagsusumamong masadlak sa kaunting ginhawa ng buhay. Ang bawat isa sa atin ay bilanggo ng sarili nating pag iisip. Ang mabuhay ng binabalot ng takot at pangangamba ay hindi buhay kundi kamatayan. Ang isiping wala ka nang kawala sa rehas ng buhay ay pagpapakita ng kaduwagan. Lalo mo lamang binibigyan ang iyong sarili ng rason para sumuko at hindi na ipagpapatuloy ang laban.

Bawat isa sa atin ay isang sundalong nagkukubli sa gitna ng isang madugong giyera. Takot tayong masaktan, ayaw nating masugatan. Iiyak na lamang sa isang tabi at magmamakaawang tulungan ng iba. Sinisisi ang buhay sa lahat ng sakit na tinatanggap. Kahit HIndi na natin nararanasan ang isang bagay, agad nating iniisip ang maaaring maidulot na sakit at mantsa sa ating pagkatao.

Ang gawin ang nararapat at akma sa bawat araw ng buhay ay umpisa ng pagbabago. Hindi sa lahat ng panahon ay umaayon sa atin ang kapalaran, matuto tayong bumangin sa bawat pagkakadapa. HIndi na tapos ang laban, may pag asa pa para sa first prize. ang pagsuko ay nangangahulugan ng pagkatalo. Sige lang, laro lang tol...


older post